COMELEC, tiniyak na pagtutuunan na ang kanilang mga programa matapos na makumpleto na ang commissioners

66

Ngayong kumpleto na ang pitong miyembro ng Commission on Elections (COMELEC), tiniyak ni Chairman George Garcia na mapagtutuunan na nila ang maraming nakalinyang programa ng COMELEC.

Kahapon, natanggap na ng COMELEC ang appointment ng isang bagong Commissioner at re- appointment ng na bypass na commissioner.

Partikular ang appointment ni Ernesto Ferdinand Maceda Jr., na pupuno sa binakanteng upuan ni Garcia na na-bypass din noon sa Commission on Appointments (CA).


May kopya na rin ang poll body ng re-appointment paper ni Commissioner Nelson Celis na na-bypass ng CA matapos mag-recess ang mga mambabatas.

Facebook Comments