
Nanatili pa rin sa 36 ang bilang ng naitalang areas of concern na tinututukan ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, wala pang ibinibigay ang Philippine National Police (PNP) na bagong update na maaaring mapabilang sa mga area of concern ilang araw bago ang botohan.
Bagama’t may na-monitor ang Comelec sa Zamboanga Sibugay na ilang mga minor incident, hindi naman ito nakaaapekto sa seguridad ng buong bayan.
Dagdag pa ni Garcia, halos kakaunti ang naitatalang insidente na may kaugnayan sa halalan at umaasa sila na hindi na madagdagan ang bilang ng mga lugar na itinuturing na areas of concern.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng Comelec para sa 2025 Midterm Elections habang naka-monitor sila sa ilang lugar sa bansa na may mainit na labanan sa politika partikular sa lokal na posisyon.