Command Center ng Bureau of Custom, pinabubuwag ng House Committee on Ways and Means

18

Ipinabubuwag ng House Committee on Ways and Means ang Command Center ng Bureau of Customs o BOC.

Ayon kay Congressman Dakila Carlo Cua, Chairman ng nasabing komite, nabigo ang command center ng Customs na pigilan ang pagpasok ng mahigit 6 na bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa.

Aniya, hindi rin nito nagawang higpitan ang kanilang sistema sa mga pumapasok na kontrabando sa bansa na naidaan pa sa green lane.

Puno rin aniya ng kurapsyon ang command center tulad na lamang ng isiniwalat ng broker na si Mark Taguba na ilang opisyal ng Customs ang tumatanggap ng suhol para makapasok ang mga shipment.

Facebook Comments