Commander ng Caloocan Sub-station, tinanggal na sa pwesto

Tinanggal na sa pwesto ang Caloocan Police Sub-station Commander na si Harold Aaron Melgar kaugnay sa paglabag sa health protocols ng Gubat sa Ciudad.

Ayon kay Caloocan City Police Colonel Samuel Mina, iniimbestigahan na ng awtoridad kung parte si Melgar ng nasabing paglabag.

Ipinatigil naman pansamantala ang operasyon ng Gubat sa Ciudad dahil sa paglabag sa strict quarantine measures.


Samantala, inilagay si Caloocan Police Lieutenant Ronald Jasmin Batalla bilang Assistant Chief Patrol Section at officer-in-charge ng nasabing sub-station.

Facebook Comments