Commemorative Stamps para sa tatlong Filipino Music Icons, ilalabas ng PHLPOST

Maglalabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPOST) ng Commemorative Stamps bilang pagkilala sa tatlong Filipino music icons.

Tampok sa ‘Pinoy Music Icons Stamps’ ang OPM artists na sina Rene Garcia, Rico J. PUNO, at Pepe Smith.

Si Garcia ay miyembro ng bandang hotdog na nagpasikat ng mga kantang “Annie Batungbakal,” “Bongga ka day,” “Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko” at iba pa.


Ipinasikat naman ni Puno ang kakaibang brand ng local soul music noong Dekada ’70.

Itinatag naman ni Pepe Smith, ang Pinoy Rock bilang lead vocalist at drummer ng Juan Dela Cruz Band.

Magiging available ang mga stamps sa Manila Central Post Office at iba Pang Post Offices sa buong bansa.

Facebook Comments