COMMISSION ON HUMAN RIGHTS KINONDENA ANG PAGPATAY SA ISANG SUPPORTER NG ALKALDE AT NAKATAKDANG KUMANDIDATO BILANG BRGY. CHAIRMAN

102
Kinondena ng Commission on Human Rights ang pagpaslang sa supporter ni Mayor Marc Brian Lim at nakatakda sanang lumaban bilang Brgy. Chairman ngayong taon sa lungsod ng Dagupan.
Matatandaan na noong ika-29 na Mayo ng gabi, pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang riding in tandem si Leopoldo Ragutana sa compound ng isang sabungan sa Brgy. San Miguel Calasiao.
Ito ay isang businessman at residente ng Brgy. Pugaro sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa awtoridad, nagmamay-ari ng isang fishpond ang biktima at involved sa sabong.
May posibilidad umano na pinatay ito dahil sa utang dahil umano sa illegal gambling activity nito.
Nagsagawa na ng parallel investigation ang CHR sa pamamaslang sa naging biktima at umaasang lalabas ang katotohanan at mapanagot kung sinuman ang nasa likod ng pagpatay kay Ragutana sa tulong ng Philippine National Police. | ifmnews
Facebook Comments