‘COMMON DENOMINATOR’| VP Robredo, handang makipagsundo kay Pangulong Duterte

566

Manila, Philippines – Handa si Vice President Leni Robredo na makipag-ayos at makiisa kay Pangulong Rodrigo Duterte alang-alang sa bansa.

Ayon kay Robredo, bagaman at magkasalungat sila ng Pangulong Duterte sa lahat ng bagay, pero mayroon pa rin aniyang ‘common denominator’ kung saan magkakasundo sila.

Aniya, mahalaga ang pagkakaisa lalo at sila ang dalawang mataas na pinuno ng bansa.

Dagdag pa ni Robredo, mabilis na maaayos ang mga problema ng bansa kung magtutulungan ang Pangulo at ang pangalawang pangulo.

Facebook Comments