COMMUNITY OUTREACH PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, DINALA SA SITIO MAPITA SA AGUILAR

Alinsunod sa hangad ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III  na mas mailapit ang serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mga liblib na barangay, ipinamahagi sa pamamagitan ng Health and Wellness Club ang mga family food pack, libreng masustansyang pagkain mula sa GUICOSINA, libreng asin, fruit bearing tree seedlings, vegetable seeds at libreng gupit sa mga residente ng Sitio Mapita, Barangay Laoag, Aguilar.
May ipinagkaloob ding mga medical kits at equipment. Labis itong ikinatuwa at ipinagpasalamat ng mga residente.
“Ang gusto po namin ay patuloy na mapalapit sa inyo ang paglilingkod gaano man ito kasimple,” pahayag ni Cheryl A. Escaño, OIC-Provincial Archives and Records Center, at nagsilbing kinatawan ni Gov. Guico sa programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments