Community pantries sa bansa, mahigit 6,700 na

30

Umabot na sa 6, 715 ang bilang ng naitayong community patry sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretay Eduardo Año, pinakamarami ay makikita sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.


Patuloy aniya itong tututukan ng ahensya para matiyak na sumusunod sila sa health protocols.

Nagsulputan ang mga community pantry matapos itong simulan sa Maginhawa Street sa Quezon City ni Ana Patricia Non noong kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble.

Facebook Comments