Compliance deadline ng Grab, pinalawig ng PCC

36

Pinalawig ng Philippine Competition Commission (PCC) ang compliance ng Grab Philippines Inc. sa voluntary commitments nito sa higit tatlong buwan.

Ito ay kahit nakikita pa rin ng PCC ang pag-monopolya ng Grab sa ride-hailing market.


Ayon sa PCC – may kaugnayan ito sa conditional clearance sa acquisition nito sa Uber o 71-araw na extension mula sa expiry nito noong August 11.

Layunin nitong maresolba ang mga concern sa competition sa iba pang TNVS.

Inaasahang lalagda si PCC Chairperson Arsenio Balisacan ng bagong set of commitments na patas at resonable at pumoprotekta sa consumers mula sa pagdominante ng Grab sa TNVS market.

Facebook Comments

From Advertisers