Conciliation Meeting nakatakdang isagawa sa pagtalakay sa nangyayaring welga sa Surigao Dockworkers Union laban sa Prudential Customs Brokerage Services Incorporated

Conciliation Meeting nakatakdang isagawa ngayong araw sa pagtalakay sa nangyayaring welga sa Surigao Dockworkers Union laban sa Prudential Customs Brokerage Services Incorporated(PCBSI). Sa nakuhang impormasyon ng RMN, mamuno sa pagtitipon ang National Concillation and Mediation Board ng Dept. of Labor and Employment sa paghahanap ng solusyon sa 6 na araw nang welga ng union. Naunang inamin ni Jovito Lapure, ang Spokesman ng Surigao Dockworkers, walang nangyari sa negosasyon noong Agosto 25 kaya hindi na sila bukas sa panibagong pag-uusap kasama ang PCBSI.

Facebook Comments