Concourse and busway project sa Metro Manila, madaragdagan pa ayon sa Malacañang

Makakaasa ang mga commuter na madaragdagan pa ang mga concourse at busway project sa Metro Manila.

Ito’y kasunod ng pagbubukas ng SM Concourse and busway project sa North EDSA noong Huwebes.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, magkakaroon din ng kahalintulad na proyekta sa Metro Rail Transit (MRT) Ortigas station at Aseana Bus Station.


Ang mga proyekto ay gagawin sa ilalim ng Public Private Partnership, partikular sa kasunduan ng Department of Transportation (DOTr) at ng SM Prime holdings.

Tutugon ito sa pangangailangan ng mga commuter para sa mas maayos at ligtas na biyahe, at maginhawang daanan para sa mga gagamit ng bus lane.

Kabilang sa special features nito ay ang mga elevators at ramps para sa mga senior citizens, buntis at persons with disability.

Facebook Comments