Condotel para sa mga seafarer, itatayo ng pamahalaan

95

Magtatayo ang pamahalaan ng Condotel sa National Capital Region para sa mga seafarer.

Ito ay matapos lumagda ng kasunduan ang Transportation Department, Marino Partylist at Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines.


Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, karamihan sa mga marino ay mga galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa at walang matuluyan pagdating ng mga ito sa Kamaynilaan.

Sa naturang proyekto, binibigyan aniya ng pagkilala ang mahalagang papel ng mga marino sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga foreign remittances nito.

Facebook Comments