Confirmation ni DENR Secretary Gina Lopez, hindi pa sigurado – Senator Pacquiao

48

Manila, Philippines – Naniniwala si Commission on Appointments (CA) Committee on Environment and Natural Resources Chairperson, Senador Manny Pacquiao na hindi pa sigurado kung makukumpirma bilang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary si Gina Lopez.

 

Tiniyak naman ni Pacquiao – na wala munang mangyayaring botohan hanggang matapos ang holy week break.

 

Pero dahil mapapaso na ang ad interim appointment ni Lopez ay kinakailangang mare-appoint ulit siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Kinuwestyon naman ni Senador Loren Legarda ang nangyaring pagdinig kahapon dahil hindi nakadalo si Lopez na nasa Amerika.

 

Kasabay nito, itinanggi naman ang Chamber Of Mines Of The Philippines sa pamamagitan ng kanilang Vice President for Legal Affairs na si Atty. Ron Recidoro na sila ang nasa likod ng planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

 

Nabatid na sinabi ni Pangulong Duterte na pinopondohan umano ng mga mining companies ang hakbang para mapatalsik siya sa pwesto.

Facebook Comments