CONFIRMED: Coach Yeng Guiao, wala na sa NLEX

56

Kumpirmadong wala na sa NLEX Road Warriors si Coach Yeng Guiao.

Dahil dito, umuugong ang balita na babalik siya sa Rain or Shine na ginabayan niya sa kampeonato ng 2012 Governors’ Cup at 2016 Commissioners’ Cup o humawak ng bagong tropa sa San Miguel group.

Nakipaghiwalay si Guiao sa Road Warriors matapos alukin ng corporate position imbes na plantsahin ang kanyang hangad na contract extension.


Ayon kay Guiao, ayaw pa niyang magretiro bilang head coach kaya hindi niya tinanggap ang alok ng NLEX management.

Sa kanyang anim na taong paghawak sa Road Warriors ay naipasok niya ang koponan sa dalawang semifinals appearances.

Iginiit naman ni Coach Guiao na wala pa namang nag-aalok o wala pa siyang desisyon kung saan handa naman siya mamuno ulit ng anumang team sa PBA.



Facebook Comments