CONFIRMED | Cong. Anthony Bravo at iba pang sakay ng bumagsak na chopper sa Tarlac, ligtas sa insidente

Tarlac – Kinumpirma ni dating House Sec. Gen. Cesar Pareja na nasa ligtas na kalagayan sina COOP NATCCO Partylist Rep. Anthony Bravo at iba pang staff ng Kamara na kasama sa chopper crash sa Tarlac.

Kasama din sa nangyaring insidente si Pareja kung saan sinabi nitong nasa maayos naman silang kundisyon.

Ayon naman sa Chief of Staff ni bravo na si Rene Buenviaje na nagtamo lamang ng minor bruises ang kongresista.


Sa ngayon ay nasa pagamutan na ang mga sakay ng chopper pero hindi pa nabanggit kung saang ospital sila naroon.

Samantala, nagtamo naman ng head injuries at nabali ang braso ng piloto ng chopper.

Sinabi pa ni Pareja na marami silang mga taga Kamara na nagpunta sa Tarlac.

Dadalo sana si Bravo at mga staff ng Kamara sa Training and Doctrine Command sa Camp Ernesto Ravina Air Base sa Capas Tarlac nang mangyari ang pagbagsak ng chopper nang palapag na sana ito sa helipad sa loob ng military camp.

Facebook Comments