Confirmed COVID-19 cases sa QC, umabot na sa 3,362

Pumalo na sa 3,362 ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.

3,252 rito ang total number ng validated cases at 1,041 ang active COVID-19 cases.

Hanggang kahapon, Hunyo 30, 2020, may nadagdag pang apat (4) na bagong kaso ng namatay para sa kabuuang 233.


1,978 naman ang mga nakarekober na.

Pinakamaraming naitalang namatay ay sa Batasan Hills sa District 2 na may 15 ang bilang, 101 ang recoveries para sa 140 na total cases.

Pumangalawa ang Barangay Culiat na may 11 na namatay , 108 recoveries sa 147 total cases at ang Barangay Tandang Sora na may naitalang 10 namatay, 49 ang nakarekober para sa kabuuang 89 COVID 19-cases.

Facebook Comments