CONFIRMED? SAM MILBY AT CATRIONAGRAY, IN A RELATIONSHIP NA

42

A picture speaks a thousand words. Ito marahil ang masasabi ng mga nalilito at hindi pa makapaniwala sa larawang ipinost ni Sam Milby nitong Sabado. Sam just turned 36 nitong May 23, 2020. Kasabay nito ay ang pag-upload niya ng nasabing picture, kung saan yakap niya si Ms. Universe 2018, Catriona Gray, habang nakahalik rin ito sa noo ng dalaga na tila nakangiti.

Nasa gitna sila ng kalsada na napapaligiran ng matataas na puno. Sa caption, sabi ni Sam, “worth every second of the wait. Most special birthday yet.” Wala namang opisyal na pahayag na kalakip sa caption kung ano nga ba ang totoong stado ng relasyon nila. Pero, read between the lines, ika nga.

Ayon sa mga malalapit na kaibigan ni Cat, early part ng 2019 ay madalas na daw silang lumabas ni Sam. Hindi lamang nila ito pwedeng isa publiko dahil may korona pa bilang Ms. Universe si Catriona na kailangan niyang alagaan at protektahan. Ngunit ngayong wala na ito sa kanya, tila unti unti namang naging maluwag ang mga restrictions. Isa na nga dito ang tungkol sa love life niya. Well, officially on a relationship or getting to know each other man, tiyak masaya sina Sam at Catriona sa kung ano man ang estado ng relasyon nila ngayon.

Facebook Comments