Cong. Martin Romualdez, humirit ng reset sa kanyang muling pagdalo sa ICI

Hindi matutuloy ang muling pagharap ni Cong. Martin Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa October 22.

Ayon sa ICI, ito ay matapos na humirit si Romualdez na ipagpaliban ang pagharap niya sa hearing ng Komisyon dahil sa naka-schedule niyang medical procedure.

Bunga nito, inihayag ng ICI na muli silang maglalabas ng abiso kung kailan ang susunod na pagharap ni Romualdez sa pagdinig.

Una nang inihayag ng ICI na kailangang bumalik sa Komisyon ang ex-house speaker dahil kanila itong tatanungin sa nilalaman ng kanyang isinumite na affidavit.

Facebook Comments