CONGRATULATIONS | Limang Engineering Students mula Dagupan pasok sa Top 10 ng RME Board Examination 2018!

17

Dagupan City – Mainit na pagbati mula sa kanikanilang pamilya, kaibigan, kababayan, at sa pamunuan ng eskwelahan ang natanggap ng mga estudyanteng pasok sa Top 10 ng 2018 Registered Master Electricians. Ang mga nasabing estudyante ay produkto ng isa sa kilalang unibersidad sa lungsod, ang PHINMA – University of Pangasinan, kinilala ang mga estudyante na sina Raymond Meneses – Top 3, John Kenneth Segundo – Top 5, Reynaldo Caballero Jr. – Top 6, Bryan Joshua Cabatbat – Top 8 at Ralph Jewel Perez – Top 10.
Ayon sa resulta na nilabas ng Professional Regulation Commission o (PRC) at ng Board of Electrical Engineering, aabot sa 3,135 examinees ang nakapasa sa 4,697 na kumuha ng pagsusulit sa Registered Electrical Engineer at Registered Master Electricians (RME) noong Septyembre 1-2, 2018 sa buong bansa.
[image: Screen-Shot-2017-11-02-at-9.44.02-AM.png]

Facebook Comments