CONGRATULATIONS | Malacanang, binati ang Davao City sa paghirang kay Senador Trillanes bilang persona non grata

284

Manila, Philippines – Pinuri ng Palasyo ng Malacanang ang Davao City Council sa kanilang hakbang na ideklarang persona non-grata si Senador Antonio Trillanes IV.

Ang deklarasyon ng Davao City Council ay matapos ang pahayag ni Senador Trillanes na ang Davao City ang may pinakamataas na murder incident at pangalawa sa pinakamaraming kaso ng rape sa bansa.

Nang tanungin si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ng reaksyon ay tanging ‘Congratulations to Davao City’ ang nasabi nito.

Paliwanag ni Roque, siya ay tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya congratulations na lang ang kanyang masasabi sa issue.

Facebook Comments