
Mariing pinalagan at tinawag na malisyoso ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang alegasyon na sya ang nagmaniobra ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Hinamon pa ni Garin na lumutang at harapin sya ng sinumang nagbigay ng impormasyon na ito kay Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.
Punto ni Garin, sino naman sya para imani-obra ang pasya ng mga kasamahang kongresista sa reklamong impeachment laban sa bise presidente.
Kwento ni Garin, inimbitahan sila sa isang party consultation kung saan ipinaliwanag ng kanilang mga opisyal ang articles of impeachment.
Ayon kay Garin, dumalo sya dito at Iumagda pabor sa impeachment dahil ito ay bahagi ng kanyang tungkulin na itinatakda ng konstitusyon.