Congresswoman Vilma Santos-Recto, hindi tatakbo sa national position sa darating na eleksyon

166

Taos-pusong nagpapasalamat si Batangas Representative Vilma Santos-Recto sa nominasyon sa kanya sa presidential o vice presidential post sa 2022 elections.

Sa kanyang mensahe na inilabas ng tanggapan ng kanyang mister na si Senator Ralph Recto ay nilinaw ni Congresswoman Vilma na wala siyang plano para sa eleksyon sa susunod na taon.


Ayon kay Congresswoman Recto, ito ay dahil nakatutok siya sa vaccination program sa Lipa City at pagtulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Binigyang-diin pa ng Congresswoman Recto na mayroon siyang legislative duties na dapat gampanan.

Facebook Comments