Construction Worker, Huli sa Kasong Panggagahasa

40

Cauayan City, Isabela– Kalaboso ang isang construction worker na itinuturing na Top 3 Most Wanted person sa Lalawigan ng Isabela.

Dinakip ang akusado na kinilalang si Ritchie Marcos, 32 taong gulang, residente ng Brgy. Turod, Reina Mercedes, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga otoridad sa Sitio Lanuza Purok, 7 Brgy. Turod sa nasabing bayan.


Si Marcos ay nahaharap sa kasong panggagahasa na kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Ipinasakamay na sa Isabela Provincial Jail sa Brgy. Alibagu, Ilagan City ang akusado.

Facebook Comments