Construction worker, nakuhaan ng shabu na nagkakahalaga ng ₱115,600 sa buy-bust sa Quezon City

48

Nakumpiska ng Quezon City Police District (QCPD) Station 9 sa ikinasang buy-bust operation ang ₱115,600 halaga ng shabu matapos bumagsak sa kamay ng kanilang mga operatiba ang isang construction worker sa Francisco St., Pook Amorsolo, Barangay U.P.

Kinilala ang suspek na si Wilson Gaton, 32-anyos at residente ng Area 6, Brgy. Botocan.


Nakuha sa suspek ang walong sachets ng shabu, isang cellular phones at ang buy-bust money.

Facebook Comments