
Isang 41-years old na construction worker ang natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa Andrews Avenue, Pasay City malapit sa LRT depot.
Ayon sa ina ng biktima na si Editha, papasok sa trabaho ang kanyang anak na si Reymund Balido kaninang umaga.
Galing aniya ang kanyang anak sa Barangay 182, Pasay City at papasok sa trabaho sa Baclaran, Parañaque City.
May nagbalita daw sa kanyang kapitbahay kaugnay ng sinapit ng kanyang anak.
Idineklara naman ng rumispodeng rescuer ng Pasay DRRMO ang biktima na dead-on-the-spot dakong alas-7:00 pa ng umaga.
Facebook Comments










