Construction Worker, Patay Matapos Bumangga sa Sasakyan

339

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang construction worker matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na sasakyan sa kahabaan ng Brgy. Cabannungan 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawi at drayber ng motorsiklo na may plakang BC1984 na si Victor Laureta, 40 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Pilar, City of Ilagan, Isabela.

Una rito, bumabaybay sa lansangan ang biktima patungong barangay Arusio sa Lungsod nang biglang bumangga sa gilid na bahagi ng kasalubong na Forward na may plakang WBB5847 na minamaneho ni Rosendo Dagdag Jr, 47 taong gulang, may-asawa, dryaber at residente ng Brgy. Dagupan, Alicia, Isabela.

Dahil dito, nagtamo ng malalang sugat sa katawan at ulo ang biktima at isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Habang nilalapatan ng lunas ang biktima ay binawian din ito ng buhay.

Dinakip naman ng mga pulis ang drayber ng sasakyan at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments