Construction worker sa Marikina na pinagsasaksak gamit ang ice pick, sugatan

42

Nagpapagaling sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang isang construction worker matapos pagsasakin ng isang lalaki gamit ang ice pick sa Brgy. Malanday Marikina City.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), kinilala ang sugatang construction worker na si Edward Tanael, 34-anyos.


Habang ang suspek ay kinilalang si Rolando Barcena, 40-anyos na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga pulis matapos tumakas nang pagsasaksakin ang biktima.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo lang ang biktima sa gilid ng kalsada sa Talisay St. Libid Bulelak, Brgy. Malanday, Marikina nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabi ay inundayan siya ng saksak sa kaliwang tagiliran gamit ang ice pick.

Matapos ang pananaksak, agad na tumakas ang suspek habang naisugod ang biktima ng kanyang kapatid sa ospital na ngayon ay patuloy na inoobserbahan.

Facebook Comments