Construction worker, sugatan matapos pagsasaksakin ng katarabaho sa Makati

Makati City – Sugatan ang isang construction worker matapos saksakin ng katrabaho sa kanto ng Estrella at JP Rizal St. sa Guadalupe, Makati City.

Ayon sa pulisya, sinaksak sa leeg ni Jurry Misyon, 26-anyos, residente ng Payatas Quezon City ang biktimang si Larry Victoria gamit ang isang ice pick.

Maswerteng hindi napuruhan ang biktima na isinugod agad sa ospital ng Makati.


Hindi pa malinaw ang motibo ng suspek pero sinasabing nag-away ang dalawa bago ang naturang insidente.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad para maaresto ang suspek.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments