Construction Worker, Timbog sa Buy Bust!

12

Solana, Cagayan – Natimbog ang isang construction worker matapos magsagawa ng buy bust operations ang pinagsanib na pwersa ng PNP Solana at PDEA sa Barangay Bangag, Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Arnold Pascua, kwarentay uno taong gulang, isang construction at residente ng nasabing lugar.
Nadakip sa akto ang suspek ng bentahan nito ang isang nagpanggap na buyer ng ipinagbabawal na shabu.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Pascua ang isang plastik na naglalaman ng dalawang sachet ng shabu, isang piraso ng limang daang piso na ginamit bilang buy bust money, isang cellphone at isang unit ng motorsiklo.

Agad namang dinala sa himpilan ng kapulisan ang suspek na ngayon ay nahaharap sa paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments