Umarangkada ang Consumer Advocacy Information Drive ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan upang palakasin ang kaalaman ng mga mamimili hinggil sa kanilang mga karapatan at tungkulin.
Sa pamamagitan ng Consumer Protection Division, ibinahagi ng ahensya ang mahahalagang impormasyon para mas maging mapanuri at maalam ang mga konsyumer sa kanilang desisyon bilang mamimili.
Tinatayang 105 na konsyumer ang nakinabang sa naturang aktibidad, kung saan namahagi rin ang DTI ng information flyers.
Bukod dito, sinagot at ipinaliwanag ng mga tagapagsalita ng DTI ang mga katanungan at concern ng mga kalahok upang mas maunawaan ang mga umiiral na batas at polisiya para sa kanilang proteksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









