CONSUMER RIGHTS ORIENTATION AND SEMINAR, INORGANISA SA LUNGSOD NG ALAMINOS

26

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Inorganisa sa lungsod ng Alaminos ang isang pagsasanay ukol sa Basic Costing and Pricing at Consumer Rights na pinangunahan ng City Coop Office dito.

Ang nasabing seminar ay para sa mga miyembro ng 100 Islands TODA Federation.


Layon ng aktibidad na linangin at dagdagan pa ang kaalaman ng bawat miyembro ng asosasyon sa larangan ng “pricing and costing” at “consumer rights” para sa kanilang itatayong negosyo na motorcycle parts, accessories and vulcanizing shop sa siyudad.
Nagmula ang mga tagapagsanay mula sa DTI – Alaminos City Negosyo Center sa nasabing aktibidad.

Nagpapasalamat naman ang naturang asosasyon sa LGU Alaminos, katuwang ang DOLE-WPFO sa pagbibigay ng pinansyal na suporta para maisakatuparan ang kanilang itatayong mga negosyo.

Facebook Comments