CONSUMER WATCH | Ilang lugar sa Rizal at Marikina, makakaranas ng water interruption

64

Pansamantalang hihina o mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Rizal at Marikina dahil sa Phase 2 ng transfer ng water supply mula East La Mesa Treatment Plant papunta sa Southeast Mainline sa darating na Sabado ng gabi kung saan naka-schedule sana ito ngayong araw.

Ayon sa Manila Water, apektado ng nasabing temporary water service interruption ang nasa mahigit 26,000 households sa mga barangay sa San Mateo, Rizal kasama na din ang isang barangay sa Marikina at Rodriguez, Rizal.

Magsisimula ito nang alas-10:00 ng gabi ng Sabado, May 19 ngunit walang kasiguraduhan kung anong oras ito magbabalik.

Partikular na maapektuhan ng water interruption ay ang
San Mateo *: *Ampid 2 Banaba Burgos Dulong Bayan 1 Dulong Bayan 2 Maly Guitnangbayan 1 Sta. Ana Guitnangbayan 2 Guinayang
*Marikina city:*
Parang

*Rodriguez, rizal*
Burgos

Facebook Comments