Contact tracing app na Staysafe PH, ilulunsad sa mga public transport terminal

51

Ilulunsad na sa mga susunod na linggo ang contact tracing application na Staysafe.ph sa mga transport terminals.

Ito ang tiniyak ni Testing Czar at Bases Conversion and Development Authority President Vince Dizon kung saan gagamitin aniya ito sa mga transportation center kagaya ng MRT, LRT at mga Bus Terminals para mapabilis ang contact tracing.

Ayon kay Dizon, ang Department of Information and Communication Technology ang mamahala sa gagawing sistema pero sa Department of Health mapupunta ang mga makukuhang datos habang babantayan naman ng National Privacy Commission.

Ang nasabing application ay idinevelop ng Multisys kung saan ito ang gagamitin para sa contact tracing at pagbibigay ng babala sa posibleng banta ng COVID-19 infection.

Puwede rin itong gamitin nang libre ng mga pribadong kumpanya at Local Government Units.

Facebook Comments