Contact tracing, testing at vaccination, dapat paigtingin ng gobyerno VS Delta variant; Gordon, nagpositibo sa COVID-19!

31

Umapela si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senador Richard Gordon sa gobyerno na paigtingin pa ang testing at contact tracing.

Sa harap ito ng banta ng posibleng pagsirit ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gordon na mahalagang matukoy ang pinagmulan ng virus para mapigilan ang hawaan.

Kasabay nito, hinimok din niya ang publiko na magpabakuna.

Ayon pa kay Gordon, kausap niya ngayon ang ilang eksperto mula sa Israel kaugnay ng mix-and-match ng bakuna at posibleng pagkakaroon ng third dose o booster shot.

Samantala, kinumpirma rin ng senador na naka-quarantine siya ngayon matapos na magpositibo sa COVID-19.



Facebook Comments