Contractor na tumangay ng passport data, dapat kasuhan – VP Robredo

56

Ikinabahala ni Vice President Leni Robredo ang nangyaring passport data breach.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, ang pagtangay ng isang dating outsourced passport maker ng lahat ng impormasyon ng Filipino passport holders ay nakakatakot.

Ipinanawagan ni Robredo sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sampahan ng kaukulang kaso ang dating contractor.

Sang-ayon din ang bise presidente na utusan ang dating contractor na isauli ang mga passport data.

Facebook Comments