CONTROVERSIAL AD CONTRACT | Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo, pinagbibitiw ng Makabayan Bloc

55

Manila, Philippines – Pinagbibitiw ng Makabayan Bloc sa kamara si Tourism Secretary Wanda Teo kasunod ng pagkakatuklas sa 60 million pesos controversial ad contract ng Department of Tourism (DOT) na ibinigay sa Bitag Unlimited Media Inc. (BUMI) na pagmamay-ari ng kapatid niyang si Ben Tulfo.

Giit ni Anakpawis Partlist Representative Ariel Casilao, pairalin dapat ni Teo ang delicadeza.

Pagtataka naman ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio sa napakalaking halagang ibinigay ng DOT sa bumi na ini-ere sa PTV-4.

Kinumpirma naman ni Special Assistant to the President Bong go na kasama si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa mga iniimbestigahan.

Sa isang facebook post, iginiit naman ni Ben Tulfo na suportado ng mga kaukulang dokumento ang commercials ng DOT na lumabas sa “kilos pronto.”

Facebook Comments