Convoy ng Vice Mayor ng Sumisip Basilan, tinambangan; tatlo, sugatan

Manila, Philippines – Tinambangan ng hindi pa matukoy na grupo ang convoy ni Sumisip, Basilan Vice Mayor Jul-Adnan Hataman kaninang umaga.

 

Ayon kay PNP ARMM Regional Director Chief Supt. Reuben Sindac, alas 7:45 ng umaga kanina nang mangyari ang pananambang sa convoy ng Bise Alkalde sa crossing Katuli, Brgy. Tumahubong, Sumisip, Basilan.

 

Aniya, sakay ng Hi-lux si Vice Mayor Hataman at kanyang mga escort patungo sa Albarka, Basilan kasunod ang dalawa pang government dump truck.

 

Pagsapit ng Sitio Katuli ay dito na pinagbabaril ang convoy ng Bise Alklade ng hindi pa matukoy na grupo.

 

Dahil ditto, sugatan ang tatlong civilian escort habang hindi naman nasugatan si Hataman.

 

Sa ngayon ay inaalam na ng pulisya ang grupong responsable sa pananambang para mapanagot ang mga ito.



Facebook Comments