Cooking contest, ilulunsad ng DSWD para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program

Maglulunsad ng cooking contest ang Department of Social Welfare and Development o DSWD upang isulong ang pagkain ng masustansya para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program.

Ayon kay DSWD Innovations and Program Development Group Undersecretary Edu Punay ng “Walang Gutom Kusinero: Cook-Off Challenge”, nakatakdang ilunsad sa Dapa Gymnasium sa Dapa, Surigao del Norte.

Paliwanag pa ni Punay, ang Walang Gutom Kusinero: Cook-Off Challenge ay idinisenyo upang itampok ang WGP bilang pangunahing programa na naglalayong wakasan ang kagutuman at malnutrisyon.


Dagdag pa ng opisyal na ang nasabing contest ay para lamang sa WGP Beneficiaries sa pilot areas ng National Capital Region (NCR); Regions 2 (Cagayan Valley); 5 (Bicol Region); 7 (Central Visayas); 8 (Eastern Visayas); 9 (Zamboanga Peninsula); 10 (Northern Mindanao); 12 (SOCCSKSARGEN); at Caraga.

Samantala, para naman sa provincial level, ang WGP Regional Program Management Office (RPMO) ay magsasagawa ng home visitations sa napiling participants para naman sa documentation at authenticity ng pagluluto.

Giit pa ni Undersecretary Punay, ang mapipiling Top 5 Finalists ay lalaban sa regional level kung saan bibigyan ng 45 minuto ang contestants na maganda ng kanilang lulutuin.

Ang mananalo sa regional level ang siyang magiging representative ng kanilang rehiyon at lalaban para naman sa National Walang Gutom cook-off.

Sa national level, bawat contestant ay bibigyan ng isang oras upang magluto ng pagkain na magre-represent sa kanilang rehiyon.

Facebook Comments