Cotabateño nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year

16

Nakiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year ang Local Government Unit ng Cotabato.
Isinagawa ang mga aktibidad sa Peoples Palace at pinangunahan ni City Mayor atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi.
Dumalo sa selebrasyon ang mga Filipino-Chinese Businessmen at ilang Tsinoy na mga residente ng syudad.
Lumahok din sa okasyon ang bagong talagang Arsobispo ng Cotabato Most Rev. Angelito Lampon.
Lubos namang nagpapasalamat si Mayor Cynthia sa lahat ng mga dumalo at maging sa lahat ng mga taga syudad sa patuloy na tiwala at suporta lalong lalo na sa mga investors na naglalagak ng negosyo sa Cotabato City.
Patuloy naman ang paghimok ng alkalde sa kanyang mga kababayan ng pagkakaisa at pagtutulungan para na rin tuloy tuloy na pag unlad ng syudad.

Facebook Comments