Cotabateño Top 5 sa Social Work Exam 2019

Muling namayagpag ang isang taga Cotabato City sa larangan pa rin ng Edukasyon.
Itoy matapos na mapasama bilang Top Notcher sa Licensure Examination for Social Work 2019.

Kabilang nga sa 2,723 na nakapasa mula sa 5, 880 na mga kumuha ng exam si Jaymar Camandan Sali ng Cotabato City State Polytechnic College.

Tinanghal pang Top 5 si Jaymar. Umani naman ng papuri mula sa kanyang mga kaanak, kaibigan at mga kakabayan ang tagumpay na nakamit ni Jaymar.


Samantala, 100% naman ang naging passing rate ng mga Mechanical Engineering Students mula Notre Dame University.

Pumasa lahat ang pitong kumuha ng exam. Matatandaang namayagpag ang NDU noong 2016 matapos maging Top 1 at Top 3 noong 2017 sa Mechanical Engineering Exam.

Facebook Comments