Cotabato City handa na sa 22nd Shariff Kabunsuan Festival

67

Pinaghahandaan na ng Cotabato City Police Office ang mga security measures na ipatutupad para sa Shariff Kabunsuan Festival at ngayong holiday seasons.
Ayon kay CCPO Dir. Sr. Supt. Portia Manalad, inaasahan na ang pagkakaroon nila ng coordination conference at simulation exercises upang masiguro ang seguridad sa Sharif Kabunsuan Festival, pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon.
Kasabay nito ay muling hiniling ni Col. Manalad sa mamamayan ng lungsod ang partisipasyon, kooperasyon at suporta sa security forces upang mamintina ang peace and order sa lungsod.
Kaugnay nito , inaanyayahan na ng Cotabato City Government ang lahat na makisaya sa gagawing mga aktibidad simula December 15-19.
Ilang mga bisita rin ang inaasahang makikisaya sa 22nd Shariff Kabunsuan Festival.
City Government Pic

Facebook Comments

From Advertisers