Cotabato City Mayor bagong pinunu ng RAC ng PRO-12

*Pormal ng nanumpa bilang Chairman ng Regional Advisory Council ng Police Regional Office 12 si Cotabato city mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi.Siyay nanumpa sa harap ni PRO-12 Director Police C/Supt.Marcelo Morales.*
*Sinabi ni Mayor Guiani Sayadi, nasa una ay nag-alangan siya na tanggapin ang pagkachairman ng RAC dahil madagdagan na naman ang kanyang responsibilidad subalit tiwala siya sa kakayahan ni General Morales ay kanyang tinanggap ang hamon.*
*Hinikayat nito ang lahat ng LGU sa Soccksargen na makipagtulungan sa PNP at lahat ng Law Enforcement agency kung nais nilang matiyak ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.*
*Ang Regional Advisory Council ay binubuo ng ibat-ibang sector sa lipunan na tumitingin sa ipinapakitang performance ng kapulisan at sa School advocacy ng PNP PATROL Plan for 2030. Nagsagawa din agad sila ng meeting noong sabado.*

Facebook Comments