Cotabato, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

Photo Courtesy: Pinoy Adventurista

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Cotabato kagabi.

Sa taya ng Phivolcs, naitala ang pagyanig walong kilometro timog-kanluran ng bayan ng Makilala.

Tectonic ang pinagmulan nito at may limang kilometro ang lalim.


Intensity 4 ay naramdaman sa Kidapawan City.

Wala namang naitalang pinsala mula sa lindol pero asahan ang aftershocks.

Facebook Comments