Couple Governor bumisita sa Maguindanao Provincial Hospital

16

Lubos ang naging kasayahan hindi lamang ng mga opisyales at mga Health Workers ng Maguindanao Provincial Hospital maging ang mga pasyente at mga kapamilya ng mga ito matapos bisitahin hindi lamang ng isa kundi ng mag asawang Gobernador ngayong araw.

Inilaan nga nina Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu at maybahay nitong si Maguindanao Governor Bai Mariam Mangudadatu ang kanilang “Family Time” ngayong weekend sa kanilang mga kababayang nakaratay sa banig ng karamdaman.


Bukod sa bitbit at ipinarating na mga materyal na bagay, tila dala rin ng mag-asawang opisyal ang ngiting may dalang pag-asa para sa mga ito.

Matatandaang nauna ng naipangako ni Governor Bai Mariam na kabilang sa tutukan nito ang paghahatid ng magandang serbisyong medikal para sa kanyang mga kababayan.

Masaya namang tinanggap ni IPHO Dr. Tahir Sulaik ang mag-asawang Governor.
Sinamahan ni Former Shariff Aguak Mayor Bai Zahara Upam Ampatuan sina Gov. Teng at Gov. Bai Mariam.

Kahapon, pinangunahan rin ni GMSM ang isinagawang Medical Mission sa bayan ng Parang.(D.A)

Facebook Comments

From Advertisers