
Kinumpirma ng Malacañang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Court Administrator Raul Villanueva bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema
Papalitan ni Villanueva si Associate Justice Mario V. Lopez na nagretiro na nitong June 4.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagtalaga si PBBM sa Korte Suprema.
Ang Associate Justice ay isa sa mga pinakamataas na opisyal sa Korte Suprema, na bahagi ng 15 miyembrong Supreme Court en banc.
Bago ang pagkakatalaga, si Villanueva ay ang Court Administrator ng SC, na nangangasiwa sa higit 2,600 hukom at 25,000 court personnel sa Pilipinas.
Nagtapos si Villanueva ng AB Economics (1985) at Bachelor of Laws (1990), sa University of the Philippines, Diliman.
Naging Presiding Judge rin si Villanueva sa iba’t ibang Regional Trial Court, Deputy Court Administrator, Chair/Vice-Chairperson ng iba’t ibang komite, kabilang ang tatlong Bids and Awards Committees ng SC, at professorial lecturer sa Philippine Judicial Academy, at Vice‑Chairperson ng Court Management Department nito.