Court of Appeals – Mindanao station, lilipat na ng gusali matapos mapinsala ng lindol

94

Tiniyak ni Mindanao station Court of Appeals Executive Justice Edgardo Camello na agad silang maghahanap ng malilipatang gusali matapos ang sunud-sunod na lindol sa rehiyon.

Sinabi ni Camello na kailangan nilang makalipat agad ng tanggapan para maibalik na ang normal na operasyon ng CA – Mindanao station.


Batay sa ginawang assessment sa gusali, nagkaroon ng significant structural damage ang ilang bahagi nito kaya hindi na ligtas para gamitin.

Ang CA – Mindanao  na nakabase sa Cagayan de Oro City ay binubuo ng CA 21st, 22nd at 23rd Divisions na may siyam na mahistrado.

Nitong nakalipas na linggo, sinuspinde ang pasok ng mga empleyado ng CA – Mindanao para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Facebook Comments

From Advertisers