Tuesday, May 12, 2026

Court of Appeals, pinagtibay ang pagbasura sa kaso ng AMLC laban sa mamahayag na si Frenchie Mae Cumpo at kapwa akusado nito

Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ng Anti-Money Laundering Council kaugnay sa kasong civil forfeiture ng mamahayag na si Frenchie Mae Cumpo at kapwa akusado nito na si Marielle Domequil.

Sa desiyon ni Associate Justice Apolinario Bruselas Jr., hindi pinagbigyan ng appellate court ang motion for reconsideration na inihain ng AMLC kaugnay sa pag-abswelto sa dalawa sa forfeiture case.

Batay sa ruling, hindi sapat ang mga alegasyon nina Lex Mika Bustillo at Jason Rafalles na nagpakilalang may kaugnayan sina Cumpo sa teroristang grupong CPP-NPA.

Hindi rin umano napatunayan ng mga testimonya ang strict requirements sa ilalim ng Anti-Terrorism Act at IRR ang mga testimonya at financial investigation report ng AMLC.

Sinabi rin ng CA na walang nakita ang korte na pagkakasangkot nila sa kahina-hinalang financial activity at hindi rin lumabas ang kanilang pangalan sa mga inilathalang listahan ng designated terrorists.

Nag-ugat ang kaso laban kina Cumpo matapos makakumpiska ng mga granada, armas at pera ang mga awtoridad sa isinagawang raid sa Tacloban City noong 2020.

Facebook Comments