COURTESY RESIGNATION | Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kinumpirmang may limang opisyal ng kagawaran ang nag-resign na

85

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na limang key executives ng Department of Tourism (DOT) ang nagbitiw na sa pwesto.

Ito ay alinsunod na rin sa utos ni Puyat na magsumite na ng courtesy resignations ang undersecretaries at assistant secretaries ng DOT para mabigyan sya ng pagkakataong makapili ng kanyang mga makakatrabahong opisyal.

Ayon Kay Romulo-Puyat, isasapubliko niya ang mga pangalan ng mga resigned official sa May 21 na ibinigay niyang deadline para maghain ng courtesy resignation.

Una nang nagbitiw sa pwesto noong Martes si Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre.

Facebook Comments