COVAX Facility, papalitan ang mga napaso o nag-expire na bakuna kontra COVID-19 sa bansa ayon sa DOH

65

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mapapalitan ang lahat ng bakuna kontra COVID-19 na napaso o nag-expire na.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, tiniyak na ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO) na ang mga naexpire na bakuna mula sa suplay ng gobyerno at pribadong sektor ay mapapalitan.

Gayunpaman, mayroon aniya magiging schedule ng pagpapadala ng bagong suplay o ibabatay sa panahon na kakailanganin na ng bansa ang mga naturang bakuna dahil papaubos na ang mga suplay nito.


Samantala, siniguro naman ni Vergeire na may tamang proseso at ligtas ang pagtatapon ng mga bakuna na naexpire na.

Facebook Comments